Friday, June 29, 2007

Ahaaasssss!!!!




I was planning to clean our house that night since I have this "tulog" problems during my vacation days, yun nalang ang ginagawa ko, ang mag linis sa gabi.
After I ate my dinner around 7:00 in the evening, pumasok ako sa kwarto namin para mag bihis (jersey ang ginagamit ko while cleaning para presko hihi..) when suddenly.....

OMG!!!
Shakra!!!
Aaaahhhhhhaaaaaassssss!!!!!!

Ang lola mo akyat agad sa ibabaw ng kama! At sa sobrang shock di na alam ang pinag gagagawa!
Kasi imbis na umalis agad ng kwarto, nagbihis pa! Ahum! Tapos nung ma-realize ko na ang kawindangan moments ko,hala! Bihis ulit! (naglalaro?) Chaka humarurot sa pinto while may pa talon talon action (buti di nag shake ang earth..)

Diretcho sa baba at hingi agad ng tulong sa land lady. Unang nakausap ko yung anak ng may ari, aba! Ang sabi ba naman baka namalik mata lang daw ako?! Hmp! Haller!!! As if kakakain ko lang poh!

Hay...kaka lokah!
Kaya yun pinuntahan ko nalang ang nanay nya sa kanto na nagtitinda ng qwek-qwek(yum!)
Then I told her bout the snake and guess what, ang tapang ni ate! Sya nalang daw papatay with the help of course ng asawa ng anak nya hehe tawa nalang ako...

Ng bumalik na ko along with ate and kuya, todo ngatog naman ang lolah mo! Di ko carry ang nagaganap nun eh. At ng mapasok na nila ang kwarto, ako naman si takbo sa sulok at nag aabang ng kanilang misyong gagawin.

Una nilang tinignan ang sofa bed, si kuya masasakal ko! Nananakot eh! Abay akalain mong mag sabi ng...

"Ito oh!"

Ako naman si tili! Ito pa ang nakakabanas na scene... wire lang pala ng charger yun!
Aba'y akalain mo... azar yun ah...

Since wala dun procede naman sa green cabinet with lock pa kaya napilitan ang lolah nyo na pumasok ulit ng room at i-unlock ang coded lock (ahum!)
After that, haripas na naman sa pag takbo para magtago sa sulok.
And there was that f*ck*ng snake!

Si kuya naman halos maawardan ng Oscar awards sa super acting! Sabi kasi..


"Ay! Yun nga oh! Ang laki!"

With matching laki ng eyes payun ah.. Si ate naman malabo ata ang mata kaya talagang nilapit pa ang mukha malapit dun sa ahas! (buti di natuka..) Sabi...

"Asan?! Asan?!"
kuya: "Ayan oh!"

Ako naman si di maintindihan ang emosyon. Halong takot at tuwa dahil sa pinag-gagagawa nilang pareho haha! After the...

"Puk puk"
"Boog"
"Puk puk"

Finally chugi na si trespassing snake...
Hay... totally big relief...

No comments: